Saturday, June 25, 2011
Lupin Dadog (2000-2011)
Dumating sa buhay ng aming pamilya si Lupin noong september 2000, tandang tanda ko pa kasi 2000 sydney olympics noon. Si Lupin ay ipinangalan ng tatay ko sa sikat na anime character na si Lupin III. Pero mag kaibang mag kaiba ang ugali ni Lupin III kay Lupin Dadog. Maliit lang si Lupin tapos pahaba ang kanyang katawan. May pagkamataba siya. Bigay siya ng kapitbahay namin, noong binigay siya sa amin ay kasama ni Lupin ang kanyang kapatid na si Gotenks na ipinangalan sa apo ni Son Gokou ng Dragon ball Z. Si Gotenks naman ay na pa bigay sa mga pinsan ko.
Wala pa atang 3 months noon ng mamatay si Gotenks. Awang awa ako noon kay lupin dahil alam siguro nya na imemercy killing si Gotenks, bigla kasing na ulol si gotenks. Kaya ipinasok namin si Lupin sa bahay at alam ko na alam ni Lupin na mamamatay na ang kanyang kapatid. Dahil hindi ito mapakali at ungol ng ungol.
Si Lupin ay itinuring ko ng kapatid, pinapakain, pinapaliguan at inaalagaan.Anak ang turing ng tatay at nanay ko sa kanya.Halos lahat ng kamaganak namin at mga kabarkada ko ay kilala siya. Masaya akong nakikita siya bago ako umalis ng bahay at pag kadating galing school.
Tuwing umuulan ay pinapapasok namin siya sa bahay, tuwing bagong taon ay lagi siyang nasa loob ng bahay dahil sa lakas ng mga paputok. Higit pa sa alaga ang turing ko sa kanya. Malapit ako sa kanya dahil grade 4 pa lang ako ay nakasama ko na siya. Nag papa salamat ako sa Diyos na nagkaroon ako ng asong kagaya nya.
Pero lahat ng nilalang ay may katapusan, namatay si Lupin noong kasagsagan noong bagyong Falcon. Nasagasaan siya sa Highway, hindi ko na siya nakita dahil may kumuha daw sa kanya. Hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kanya. Kulang pa ang Medal of Valor o kaya naman ang Medal o Honor para sa kanya.
Alam kong marami akong pagkukulang sa iyo noong nabubuhay ka pa. Babawi na lang ako sayo sa susunod nating pagkikita.
Itong blog na ito ang gagawin kong medium para makapagpasalamat kay Lupin!
Lupin salamat sayo! Ikaw na the best ka!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment